being kooncebeing koonce.. being me
being_koonce
read my profile
sign my guestbook

Visit being_koonce's Xanga Site!

Name: Donnie Ray
Metro: Manila
Birthday: 1/23/1984
Gender: Male


Interests: rica...
Expertise: rica...


Message: message me
Yahoo: koonce_k@yahoo.com


Member Since: 12/12/2005

SubscriptionsSites I Read

Posting Calendar

|<< oldest | newest >>|
view all weblog archives

Get Involved!

Suggest a link

Recommend to friend

Create a site


Thursday, April 13, 2006

nalulungkot, naguguluhan, anxious.. pakiramdam ko marami akong concerns, pakiramdam ko marami akong issues, pakiramdam ko marami akong problema.. pero pagdating ng pagkakataon na harapin ang mga ito, parang bulang nawawala pero alam mong andyan pa rin.. nahihirapan akong harapin ang sarili ko..

hindi naman ito big thing.. at least that's one thing i am confident about.. mukhang drama lang ito, passing moment kumbaga.. pero nakaka-depress.. di nakakatulong kasi nakakaapekto..

ano bang mga bagay na ito talaga.. yun pakiramdam kasi parang cloud of ambiguity na hindi ko ma-decipher.. o bka ayoko lang i-decipher.. hay.. tanginis..

basta magulo..

eh yun na nga, hindi naman tlga sya big big thing.. pakiramdam ko, little things lang na sabay sabay na nagbobother sa akin: challenge ng trabaho, challenge ng pag-trim down, challenge ng pag-budget ng pera, yun tawag na paapawin ko yun pag-ibig ko para sa minamahal kong si Rica sa buong kaganapan, yun tawag ng Diyos sa akin na magpakabuti, yun tawag na magpakatao..

am i taking things seriously? masyado ko bang sineseryoso ang mga bagay-bagay?

kagagaling ko lang sa retreat.. sa mahabang bakasyon para makapag-pahinga.. pero parang pagbalik ko sa trabaho, sa practical world, harrassed na naman ako't stressed..

saan na yun saya na daladala ko sana mula nung retreat, mula nung bakasyon? hindi ba't yun sana ang motivator ko? pressured ako, sa lahat ng bagay? anxious din naman akong mag-isa..

may takot at pangamba sa mga hamon ng mga nakapaligid sa akin.. may takot at pangamba sa katahimikan..

ano bang sinasabi sa akin ng lahat ng mga bagay na ito?

masyado akong masama sa sarili ko at takot akong maging masaya, na matuwa sa mga nangyayari sa akin? masyado na ba akong malupit sa aking sarili, hindi ko mapayagan yun sarili kong sumaya?

pilit kong sinisubukang wag magpa-apekto sa mga nangyayari sa aking paligid, sa mga boses na naririnig kong gumugugol sa pagtingin ko sa aking sarili..


Wednesday, February 15, 2006

musta naman dyan?

tagal mong nawala, marami na namang nangyari..

heto, run down lang..

with rica. birthday nya, beautiful flowers from holland tulips, cake from gateau (sarap!), surprise visit sa ateneo.. i can still remember last year's surprise, nasundan ba? hay.. work is no excuse, this means major make up (please take note).. tapos birthday celebration namin at rica's place, exquisite banquet, meaningful presence of friends and relatives: perfect moments.. and of coursem the face that could launch more than a thousand ships, my beebee, so ganda, so sexy..tpos my birthday, shit 22 nko, pero who's counting? ..i am, haha, of course i should count, life is short and i have so little time to reach my goals, realize my dreams, fulfill my destiny.. birthday nina mel at aika, road trip! food trip! slex, tagatay, punta fuego.. never tiring, never boring, super exciting.. life is beautiful.. and of course, to complete the meaning of life and love, the usual tantrums, petty fights, misundertandings.. that make us grow stronger.. indeed, life is beautiful..


Monday, January 09, 2006

kaibigang koonce,

kumusta na kaibigan?

huling bati mo sa akin ay nangyari sa pagsara ng nakaraang taon.. 

bagama't may mga bagay na mananatili sa bagong taon: mahirap ang buhay, nagsasalungatang mga kampo nina GMA at oposisyon, nag-aaway pa rin sa Mindanao, ang mukha ko ay siya pa rin ngayon..

ngayong tao'y punung-puno ng pag-asa.. naaamoy ko na..

pag-asang guminhawa ang buhay, tumino ang mga pulitiko, pag-asang pumayat naman ako, tumangkad..

pag-asa ng bagong buwan..

bagong buwan na siya pa rin gaya ng dati.. na hanggang ngayo'y nananatili: ang mga minamahal sa buhay, si Rica, ang aking pamilya, mga kaibigan.. ang Pag-ibig, ang Diyos, ang Buhay..

punung-puno ng pagkakataon, ng pagka-maaari, ng posibilidad.. liwanag sa pag-iisip, sa paggalaw.. liwanag sa dilim..

naamoy ko na, handa ka na ba?

ang nangyaring pagtawid ko mula sa nakaraang taon patungo sa bagong taon ay napakabilis.. pawang hindi ko nga namalayan.. ni hindi ko mapapansin kung walang handaan, mga paputok at mga kasalong bumabati ng "hapi nyu nyir.."

iba talaga ang kagat ng bagong taon.. pawang sumasayaw ako sa dalawang taon, pawang dalawang lugar: ang bukas at kahapon na siyang ngayon.. napakayaman.. kasa-kasama ko ang mga kuwento't karanasan ng kahapon, mga aral na dala ng walang sawang pagtuklas at walang takot na magkamali..

isang taon ang lumipas.. isang taon ang naghihintay.. humayo ka kaibigan, mabuhay!

hanggang sa muli,

koonce

 

p.s. naku, muntik ko nang makalimutang magpaSALAMAT.. kaya heto na,

"MARAMING MARAMING SALAMAT sa Dakilang Mapagmahal at Mapagkalinga para sa lahat ng biyayang natanggap.. salamat sa iyo kaibigan, napagtiyagaan mo ako sa nakaraang taon.. ngayong taon uli ha?!"

 

"hapi nyu nyir!!!" 


Saturday, December 31, 2005

katotong koonce,

 

kabutihan... katarungan... katotohanan...

ano nga ba ang mga ito sa mata ng tao? may katuturan pa nga ba ang mga ito sa panahon ngayon? binibigyang importansya pa ba ang mga ito? o nagsisilbing palamuting tinuturo lamang sa loob ng silid-aralan? o temang pawang tsismis na pinagdidiskursohan ng mga tao para lamang may mapag-usapan?

may talab pa nga ba ang mga ito sa buhay?

masakit isipin na minsa'y nalilimutan nating tao tayo na nararapat lamang na magpakatao. ngunit bakit minsa'y pawang hindi makatao ang ating paggalaw. bahagi ba lamang nito ang ating pagkatao?

marupok nga tayo, tao lamang ika nga.

 

itutuloy....

koonce


Thursday, December 22, 2005

dear koonce,

malapit na naman ang Pasko, feel mo ba? makulay ba ang Pasko mo?

andito lang ako, kaibigan



Next 5 >>